My Ex and Whys

 Isa itong palabas kung saan pinapakita kung gaano kahalaga ang pagtiwalang ibinibigay ng isang tao sayo o sa kapwa, isang tiwala na dapat panghawakan at hindi basta basta ibinibigay dahil ang tiwala ay kayang ibigay, ngunit ang binigyan ay hindi masasabing kaya itong panindigan. Sa palabas na ito makikita rin dito ang iba’t ibang uri nang inspirasyon na maibibigay sa iyong buhay o mabibigyang pansin para sa iyong inspirasyon sa iyong buhay, may mga pangaral din ditong matatagpuan at matututunan kung saan ang mga bawat manonood ay labis na mahuhumaling sa ganda nang palabas na ito . Ang pelikulang ito ay hindi lamang tungkol sa pagtitiwala ngunit tungkol din ito sa pagmamahalang kahit sino ay hindi mapapantayan, subalit ang pagbibigay ng malusog na damdamin sa isang tao ay hindi basta basta lalo na’t kung ang taong iyong minamahal ay hindi kana tinatratong binibini o ginoo nang kanyang busilak na puso. Marami ang mga salita ang magpapaluha ng iyong puso, emosyong ika’y mamamangha at puso mo’y mangangamba. Simpleng pamumuhay tapat na pagmamahalan ang makikita at maipapakita sa palabas na ito. 


Mga karakter na magpapaibig ng iyong puso, pangyayaring ikatutuwa ng iyong emosyion at kung minsa’y magbibigay sa iyo ng sakit sa ulo. Sa dagap ng kwento ay maraming katanungan sa iyong isip ang maiiwan ngunit mabibigyan ng hustisya kung ito ay panonoorin ng buo. Bawat karakter ay may kanya kanyang karanasan na ipapakita upang ang manonood ay mahumaling ng lubos, bawat eksena ay mag papakita ng kilig, tuwa, lungkot at pagka inis sa mga tauhan. 


Hindi lamang ito tungkol sa malulungkot na karanasan mayroon din ditong magagandang eksena kung saan pati katabi mo ay tiyak na matatawa at kasabay nito ang pagpapakita ng kilig sa bawat karakter. Tatlong linguwahe ang ginamit sa palabas na ito kaya’t tiyak na hindi lang sa pangyayari ang iyong sarili ay matututok, pati na sa mga linguwaheng ginamit ay tiyak na ika’y mamamangha at matututo.  Ito ay palabas na hindi  dapat pinalalagpas, kwentong hindi lang para maglibang sa buhay isa din itong palabas na magbibigay lawak sa iyong kaisipan at kaalamang nalalaman sa buhay.




Ibinahagi ni: Lorenzo, Diana Elizabeth



Sanggunian:

https://pin.it/1qdEDyI

https://pin.it/6YDfYU5



Comments