Call me by your name
Sa una pa lamang ay makikita na mukhang masaya ang pelikulang ito, ngunit pag dating sa kalagitnaan ng iyong panonood ay mala "roller coaster" ang pakiramdam, sapagkat tila ika'y masasaktan, ngunit sandali lamang at ito ay mapapalitan ng tuwa at saya, habang ang kasunod at lalong-lalo na ang wakas ay hindi mo ina-asahan at mag iiwan ng sugat sa iyong puso. Hindi tulad ng ibang pelikula na maraming karakter, sa pelikulang ito, kakaunti kumpara sa ibang palabas, kung kaya't madali mo lamang na ma-mememorya ang mga pangalan ng bawat karakter, isa pang dahilan kung bakit ko ito nagustuhan.
Isang malaking papel ang ginampanan ng pelikulang ito sa aking buhay sapagkat nakatulong din ito sa pag intindi ko sa aking pagkatao. Para sa akin ang pelikulang ito ay isa sa aking mga paborito.
Ibinahagi ni: Javier, Chester John
Sanggunian:
Comments
Post a Comment