Forest Gump

“Life is like a box of chocolates, you never know what you're going to get.", kung sabi man ay di natin masasabi ang maaring maranasan natin sa buhay, lungkot, katatawanan, at iba pang emosyon ang mararamdaman sa palabas na ito. Dito sa pelikula na ito ay pinapakita ang mga karanasan, mga problema na malalampasan at ang pakikipag salamuha at pakikipagmahalan sa kapwa. Madaming eksena rito na ay tunay na matutulad ang pakikiramdam mo sa mga karakter. Huwag hayaan ang sinuman na sabihin sa iyo na mas mahusay sila kaysa sa iyo. 



Lahat ng mga tao ay may mga kanya kanyang kahigligan at talento, kaya pinapakita sa palabas na ito ay binibigyan ka din ng pag-asa na makamtan mo ang sarili mong lakas. Ipinapahayag din dito na pahalagahan ang buhay habang nasa iyo at pinapakita rin ng mga karakter na hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap, at kasama rin diyan ang hindi pag-alam kung kailan matatapos ang iyong oras o kung malalagay ba sa kompromiso ang iyong buhay. Pinapakita rin dito ang tunay na pakikipagkaibigan at pagsasama sa isa’t isa kung ano man ang mangyari. 

Sa palabas na ito ay mas matatanaw mo ang mga karakter at ang pakikiramdam mo sa kanila dahil hinahantulad din niya ito sa mga totoong karanasan ng buhay. Pinakita rin dito ang katapangan ng isang tao at ang hindi pagiging makasarili sa matinding sitwasyon. Tunay na mahusay ang mga aktor na iparating ang kanya kanyang linya, emosyon at aksyon sapagkat inihantulad din nila ito sa sarili nilang karanasan at nagbibigay buhay ito sa palabas. 




Ibinahagi ni: Acedera, Nathan Joshua



Samggunian:

https://pin.it/WOUQRdY

https://pin.it/2ONhumQ



Comments

Popular Posts