Miss Peregrine's Home for Peculiar Children

 Ang Miss Peregrine's Home for Peculiar Children ay isang kontemporaryong pantasyang libro na isinulat ni Ransom Riggs noong 2011. Ang librong ito ay ginawan ng Pelikula na sinimulan noong Enero 2015 at inilabas noong Septyembre 2016.

Ang buong pelikula na ito ay tungkol sa kwento ng Lolo ni Jake tungkol sa pakikipag laban sa mga iba't ibang klaseng halimaw noong siya ay bata pa

Ngunit isang araw, habang si Jake ay papauwi galing paaralan at papunta sa kanyang pamilya, siya ay naligaw at napunta isang lugar na kanyang hindi alam at may mga nakilala siyang mga taong may iba't ibang klase ng kapangyarihan.

Katatakutan, Misteryo, at Pantasya ang dyanra na meron sa pelikulang ito na ikaka-mangha mo.

Takot, tuwa, mangha ang naramdaman ko habang pinapanood ko ito dahil punong-puno ito ng sorpresa. Sobrang detalyado ng pelikulang ito ay sya namang nakaka mangha na mararamdaman mo na ikaw ay nasa loob ng pelikulang ito.

Ang palikulang ito ay hindi lamang isang karaniwang palabas na mapapanood mo. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko habang ito ay pinapanood ko at maraming aral din ang matututunan ko sa palikulang ito. Ang pelikulang ito ay mag tuturo sa atin na dapat tayo ay maging handa sa iba't ibang klase ng sitwasyon na mararanasan natin sa hinaharap. Tuturuan din tayo ng pelikulang ito na huwag matakot at gawin mo lang ang gusto mong gawin sa buhay mo upang ikaw ay hindi mag sisi sa huli.



Ibinahagi ni: Enano, Andreia Nicole



Sanggunian:

https://pin.it/7Fj92XJ

https://pin.it/cYv3qGR

Comments

Popular Posts