Shrek



 Ang orihinal na Shrek o si Shrek, ay ginawa ng isang Amerikanong cartoonist na si William Stig na nagtulong maiproduct kasama ang DreamWorks para magawang movie ito.

Ang Shrek ay isang comedy movie na talagang tuloy tuloy mong mapapanood dahil sa mga patuloy na patawang linya ng mga karakter, sila din ay gumagawa ng biro na konektado sa totoong buhay at dahil don ay mas nakaka relate ang mga manonood at mas lalong natatawa. Ngunit mayroon din itong kahalong kaunting drama, adventure at pantasya. Ang Shrek ay mayroong apat na nailabas na movie na para saakin ay pare pareho ang ganda ng pagkaka kuwento ng storya, hindi pumalpak na patawanin ako bawat movie kaya naman ay hanggang ngayon ay patuloy ko itong pinapanood kapag ipinapalabas saaming telebisyon. 


Ang movie na ito ay hindi lamang basta basta puro comedy, mayroon ding aral para sa mga manonood. Ang nakuha kong aral sa apat na pelikula ay, huwag magbabase sa panlabas na anyo ng isang tao at bumase sa ugali, isa pa ay huwag mong baliwalain ang mga bagay na meron ka dapat ay maging kunteto kung sa anong meron ka dahil may dahilan kung bakit napasaiyo ito.




Ibinahagi ni: Binuya, Jose Luis



Sanggunian:

https://pin.it/1xRd2GX

https://pin.it/3wmQ4RV

Comments

Popular Posts